Ang Cancer Australia ay gumagawa ng malawak na hanay ng mga publikasyon tungkol sa kanser, kabilang ang: mga patnubay, mga gabay para sa kanser, mga ulat, mga pahina ng impormasyon at mga pamphlet sa 10 wika na hindi Ingles.
Ang Cancer Australia ay dedikado sa pagsuporta ng mga komunidad na iba ang kultura at wika (culturally and linguistically diverse o CALD) sa Australia.
Tingnan ang mga publikasyon ng Cancer Australia sa Tagalog sa ibaba.
Mga Dulugan
- 2020
Pahina ng impormasyon tungkol sa mga gynecological na kanser
Isang pangkalahatang pananaw sa mga gynecological na kanser kabilang ang mga uri, mga sintomas, mga salik ng panganib, diyagnosis, paggamot at paghahanap ng suporta.
Mga Uri ng Kanser: Kanser sa cervix | Mga gynecological na kanser
Tagabasa ng Publikasyon: Mga taong apektado ng kanser, at kanilang pamilya at mga kaibigan | Mga dulugan para sa mga propesyonal sa kalusugan
Mga makukuhang format: Nakalimbag na dokumento, PDF, DOCX
- 2019
Pagkuha ng pinakamagandang payo at pangangalaga: isang gabay para sa mga taong apektado ng kanser sa baga
Mga Uri ng Kanser: Kanser sa baga
Tagabasa ng Publikasyon: Mga taong apektado ng kanser, at kanilang pamilya at mga kaibigan
Mga makukuhang format: PDF, DOCX
- 2011
Impormasyon para sa kababaihan tungkol sa kasaysayan ng pamilya sa kanser sa suso at kanser sa obaryo
Ang pag-unawa sa kasaysayan ng iyong pamilya sa kanser sa suso o obaryo ay makakapagbigay ng indikasyon sa iyong pagkakataong magkaroon ng alinman sa sakit.
Mga Uri ng Kanser: Kanser sa suso | Kanser sa obaryo
Tagabasa ng Publikasyon: Mga taong apektado ng kanser, at kanilang pamilya at mga kaibigan
Mga makukuhang format: PDF, DOCX
- 2010
Kanser – paano ang iyong paglakbay?
Ang dulugan na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa emosyonal at panlipunang epekto ng kanser. Sinulat ito para sa mga taong nasuring mayroong kanser, sa kanilang pamilya at mga kaibigan.
Mga Uri ng Kanser: Lahat ng Mga Uri ng Kanser
Tagabasa ng Publikasyon: Mga taong apektado ng kanser, at kanilang pamilya at mga kaibigan
Mga makukuhang format: Nakalimbag na dokumento, PDF, DOCX
- 2010
Paghahanap sa tamang sasabihin - pagsisimula ng pakikipag-usap kung lumala ang iyong kanser
Ang dulugan na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa emosyonal at panlipunang epekto ng kanser. Sinulat ito para sa mga taong nasuring mayroong kanser, sa kanilang pamilya at mga kaibigan.
Mga Uri ng Kanser: Kanser sa suso
Tagabasa ng Publikasyon: Mga taong apektado ng kanser, at kanilang pamilya at mga kaibigan
Mga makukuhang format: Nakalimbag na dokumento, PDF, DOCX
- 2009
Walang sinuman ang makakaalam sa iyong katawan nang gaya mo
Isang DL flyer na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sintomas ng kanser sa obaryo.
Mga Uri ng Kanser: Kanser sa obaryo
Tagabasa ng Publikasyon: Mga taong apektado ng kanser, at kanilang pamilya at mga kaibigan
Mga makukuhang format: Nakalimbag na dokumento, PDF, DOCX
Hindi maghihintay ang kanser
Kahit na mas karaniwan ang kanser habang tumatanda tayo, maaari kang magkaroon ng kanser sa anumang edad. Talagang mahalaga na makilala ang iyong katawan at malaman ang mga sintomas na dapat bantayan. Kung mayroon kang isang bagong pagbabago sa iyong katawan na hindi pa rin nawawala, katulad ng bukol, huwag ipagpaliban ang pakikipagkonsulta sa iyong doktor. Ang karamihan sa mga pagbabago ay hindi kanser, pero kung kanser nga ito, mas mabuti kung mas maaga itong matuklasan. Ang iyong doktor ay naririyan upang alagaan ang iyong kalusugan tulad ng dati. Maaari kang magtakda ng appointment upang makipagkonsulta sa iyong doktor nang personal o makipag-usap sa kanya sa iyong telepono o sa iyong kompyuter (telehealth). Ang pagtanggap ng libreng screening para sa kanser ay makakatulong rin na protektahan ang iyong kalusugan sa pamamagitan ng maagang pagtuklas, kahit na wala ka pang anumang mga sintomas ng sakit. Bumisita sa http://www.cancerscreening.gov.au/ para sa karagdagang impormasyon.
Kung gusto mo ng interpreter upang tulungan kang maunawaan ang anumang impormasyon sa website na ito, mangyaring tawagan ang TIS National sa 131 450 at hilingin sila na tumawag sa Cancer Australia sa 02 9357 9400. Ang mga oras na bukas kami ay 9am hanggang 5pm, Lunes hanggang Biyernes.